paksa: “ang pataas ng bilang ng mga kabataan na nalululong sa alak”, isang pag-aaral.
yunit i: introduksyon
a.kaligiran ng pag-aaral
ang alak ay ang tinuturin na “drug of choice” ng kabataan. maraming kabataan ang nagdurusa sa sobrang paginom ng alak, sa murang edad. bilang resulta lumalaki ang problema ng mga bansa tungkol sa kalusugan. kada taon tinatayang 5,000 kabataan na may edad na hindi bababa ng 21 ang namamatay dahil kalasingan; kabilang dito ang humigit kumulang na 1,900 na namamatay dahil sa aksidente sa motor, 1,600 dahil sa “homicides”,300 dahil sa pagpapakamatay, at daan-daang pinsala dahil sa pagkalasing ng mga tao ang naitatatala.
subalit patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga kabataan na umiinom ng alak ayon sa mga pag-aaral. ayon sa sa mga datos ng “monitoring the future(mtf)” nuong taong 2005 sa u.s. ay 11 porsiyento ng 8th grade, 22 porsiyento ng 10th grade at 29 porsiyento ng 12th grade ang umiinom ng alak. ayon din sa pag-aaral ang lalake sa america unang naguumpisang uminom sa edad na 11 at sa babae naman ay 13 taong gulang.
samantalang sa europa naman ay kadalasang 12 taong gulang hanggana 19 taong gulang naguumpisa uminom ang mga kabataan sa kanila. ang kadalasan na kayang inumin ng mga kabataan ay higit limang baso ng inuming alak ng sunod-sunod.
ang pagkosumo ng alak ng mga pilipino ay tinatayang tumataas ng 10 porsiyento kada taon. nuong taong 1995 tinatayang ang mga pilipino ang nangunguna at pinaka malaki ang kosumsyon ng alak dito sa asya.
sa kabuuan, ang alak ay ang paboritong inumin ng mga pilipino dahil mura ito at kaya ng bulsa. nuong 1998, napabalita na ang mga pilipino ay kumonsumo ng 1.25bilyong litro ng alak(katumbas nito ay 3.9na bilyong bote ng alak). pero sa mga kabataang pilipino mahal ang alak kaya ang binibili ng karamihan ay isang bote ng tanduay gin, dahil itoy mas mura, mas matapang at mas nakakalasing. sa mga nasa “middle class” kadalasang binibili nila ay ang mga alak na tulad ng johnny walker at chivas regal, dahil kaya na ng bulsa nila ang pagbili nito.
ang mga alak ay lantarang ipinagbibili sa mga tindahan, grocery at sa mga convenience store, ngunit ang mga inuming tulad ng whisky, wine, at yung iba pang uri ng alak ay kailangan at maari lamang mabili sa mga lisensyadong tindahan ng alak. ngunit hindi ito ang laging nangyayari. dahil sa kakulangan ng pagbabantay at paghihigpit ng pamahalaan, ang mga matatapang na alak ay madaling nabibili sa mga tindahan ng mga minor de edad.
may batas tayo dito sa pilipinas na nagbabawal sa mga may edad na 17 pababa na bumili ng alak. karamihan ng kabataan nakukuha ang mga alak sa kanilang mga tahanan meron o wala mang permiso ng kanilang mga magulang. alam din nila kung san pa maaaring makakuha ng mga ito sa pamamagitan ng kaibigan o bumibili sila para sa kanilang sarili.
ang pag-inom ng alak ng higit sa kaya ng katawan ay napaka delikado pra sa mga bata. ayon sa pag-aaral na ginawa sa unibersidad ng pilipnas(u.p.) nuong 1994, 60porsiyento o 5.3 milyong kabataan ang umiinom ng alak. nasa 4.2milyon dito ay mga lalaki at 1.1 naman ang mga babae. ayon sa pag-aaral na ito ang karamihan ng kabataang pilipino ay sumusubok ng sigarilyo, alak, at droga. sa katunayan, mas maraming kabataan ang umiinom ng alak kaysa naninigarilyo.
ang karaniwang edad ng mga kabataang pilipino na umiinom ng alak ay naguumpisa sa edad na 16 hanggang 17 ayon sa pag-aaral na ginawa nuong 1998, ngunuit nuong 2004 batay sa pag-aaral ang mga kabataan ay naguumpisa ng uminom ng alak sa edad na 13 hanggang 15. gayunman, maraming na ring kaso ng ng mga 11 taong gulang palang ay umiinom na ng alak. 37 porsiyento ng respondante ay ipagpapatuloy daw ang kanilang paginom, 33 porsiyento naman ang umiinom lang sa tuwing may okasyon o handaan, at mga 17 porsiyento ang tumigil na sa paginom ng alak.